Weakness.

Natatakot ako bumalik sa training.

Nung una kasi, may skin allergy ako. May kasama pang mild fever. Nagpatingin ako sa tatlong doctor. (WOW.) Nothing life-threatening naman sa results. Hindi naman ganon ka-seryoso. Pinainom lang ako ng mga medicines. Mukhang okay naman. I guess?

Ngayon na medyo pwede na ako bumalik sa training… biglang parang tinatamad ako. Ang palagay ko, humina ako lalo. Hindi ako as strong as I want to be. Last year was athletic. Like tipong, my best year in sport: weightlifting, dragon boating, running.

But I ended the year feeling a sense of defeat.

***

Parang kulang pa. Ang weird kasi, may silver medal ako sa isa sa pinaka-biggest dragon boat races in Singapore. Bakit ganon? Hindi ako satisfied. May thirst pa ako for more strength.

Siguro I’m on the right track. But baka lang I have veered off or lost focus. Dapat mag-focus uli ako sa goals ko. For sure it’s not too late.

I shouldn’t quit yet.

Look at how happy I look here:

 

Courage to return to training.

Courage to give it another shot.

Always and forever,

George